Saturday, September 16, 2017
Thursday, September 7, 2017
tales before bedtime...(this is one of the crazy tales I invented to put JJ to sleep. He would ask me to tell him a story I myself derive from thin air before going to sleep)
Bakit may buhok sa kilikili?
Bakit may buhok sa kilikili?
Noong unang panahon, nag-iisa pa lang ang tao sa mundo. Ang pangalan nya ay si Deo Durant. Siya ay napakasipag magtrabaho upang pangalagaan ang kalikasan. Nagtatanim sya ng mga puno, nakikipaglaro sa mga hayop, at nakikipaghabulan sa mga isda sa ilog at dagat. Noon ay hindi pa gumagamit ng damit ang tao dahil makapal pa kanyang buhok sa katawan kayat di niya alintana ang init ng araw at lamig pag gabi.
Ngunit isang bagay na nagbibigay sa kanya ng kunting pagkabalisa-iyun ay ang malagong buhok sa batok. Ang kanyang buhok sa batok ay nakakapigil sa kanya sa mas malawak na pag alaga ng kanlikasan. Pag pinapasan niya ang mga malalaking puno upang itanim sa ibang lugar, nakikiliti sya dahil sa buhok niya sa batok. Pag gusto niyang alagaan ang mga may karamdamang hayop tulad ng usa at kambing, nakikiliti din ang mga hayop sa kanyang malagong buhok sa batok. Pag siya ay lumalangoy sa ilog at nakikipag unahan sa mga isda sa dagat, palagi syang nahuhuli dahil napipigilan ang mabilis niyang paglangoy ng kanyang buhok sa batok. Dahil dito siya ay nalungkot at nabalisa.
Nang minsang nakita niya ang sarili sa isang balong tubig, hiniling nya sa Maykapal na pagbigyan ang nais nyang mawala ang buhok sa batok upang mas lalo nyang mapangalagaan ang kalikasan. Noong ininom nya ang tubig sa balon, siya ay mahimbing na nakatulog.
Ng sya ay magising, tiningnan uli niya ang sarili sa balon. At sya ay natuwa dahil wala na ang buhok nya sa batok. Ng kanyang itinataas ang dalwang kamay upang magpasalamat sa Maykapal, nakita nya na ang kanyang dalawang kilikili ay may mga buhok. Napagtanto niya na inilipat pala ng Maykapal ang kangyang buhok sa batok sa kilikili.
Dahil dito, mas masigla na sa pag-aalaga ng kalikasan dahil nawala na ang buhok niya sa batok.
Subscribe to:
Posts (Atom)